Saturday, August 4, 2012

Wiretapped Conversations 1: PNOY-GMA


Unknown to many a wiretapped conversation between PNOY and GMA has been retrieved. Read the transcript at your own risk!



GMA: Ba’t ba galit na galit ka sakin noh?

PNOY: Corrupt ka kasi. Kung walang corrupt walang mahirap!

GMA: Ah talaga ba? Eh ba’t mahirap ang magshashaka sha Hacienda Luishita? Corrupt ba ang pamilya mo?

PNOY: Excuse me! Wag mong idamay ang pamilya ko!

GMA: Ang shaya shaya no? Eh ba’t lahat ng kaalyado ko dinamay mo? Pati mga anak at ashawa ko?

PNOY: Weather-weather lang yan. Si ERAP nga pinakulong mo kasama ng anak niyang si Jinggoy!

GMA: Eh kashi naman noh pinapapirma ko siya ng resignation letter at pinaalish ng bansha, ayaw niya kaya ayan Chavit Shingshon este plunder case ang katapat niya!

PNOY: Atat na atat ka kasi maging pangulo.

GMA: Excuse me lang noh? Ako pa ba ang atat? Eh ikaw nga tong hindi na nagbabang luksha diretso kampanya na! Well shabagay in that ashpect pareho tayo anak ng former preshidents!

PNOY: Ulul mo! Ako duly elected by the majority! Hindi ko kailangan si Garci!

GMA: Well PNOY, I-AM-SORRY…. Hahaha! Hindi nga ako elected by the majority sa EDShA naman ako nanumpa. Next to your mom Cory ako lang ang nakagawa nun. Ang shaya shaya noh?

PNOY: Bilang na ang araw mo!

GMA: Bilang na rin naman ang buhok mo! Ang shaya shaya!

PNOY: At least ako mataas ang popularity ratings!

GMA: Talagang tataash ang popularity ratings mo no eh banatan mo ba naman ako ng banatan tuwing ShONA. Wala na bang iba? Hahaha! 

PNOY: Hindi ka nakanood last SONA no? Kasi nakakulong ka? Hahaha! Change topic na ko uy! Tinatahak na naming ang tuwid na landas!

GMA: Talaga lang ah! Hindi ka ba nahihiya na yung mga unggoy sa kongreso na nag shtanding ovation sa akin dati ang mga pumapalakpak shayo ngayon? Naging kapartido mo pa? Ang shaya shaya!

PNOY: Wait ka lang, natanggal ko na si Corona pag si De Lima Chief Justice na BITAY ka! Hahaha!

GMA: Are you threatening me PNOY? Maniniwala na sana ako sayo kaso lang nilagay mo sa JBC yung ka wavelength mong si Neil Tupas! Hahaha! Mishki nga sa impeachment it was Corona's admission that handed the victory to your bopol prosecution team! Hahaha!

PNOY: Walang patutuluyan ang usapan na to!

GMA: Walang pinatuluyan ang relationship niyo ni Grace Lee and the one before her si Shalani…. One… two… threee…. GO! Ang shaya shaya no?

PNOY: Wala din naman pinatuluyan ang kasal ni Mar at Korina! Har! Har! Har!

GMA: Apir tayo jan!

PNOY: Apir? Akala ko life threatening ang condition mo? Umaarte ka lang yata para ma-hospital arrest!

GMA: I… AM… SORRY….

PNOY: Hindi ako convinced!

GMA: Kelan ka ba naniwala sa akin? Uy nung nag St. Lukes ako tinanong ko yung attending physician ko about your sister Kris Aquino. Yung case niya dati with Joey? Chlamydia ba yun? Hihihi!

PNOY: Ulul! Sa Makati Med yun! Hahaha! Erase, erase! Baka mabasa ni Josh at ni Bimby!

GMA: Ay oo nga sa St. Lukes pala yung kay John Lloyd at Shaina!

PNOY: Ah talaga? Totoo daw ba?

GMA: Hahaha! Gullible ka talaga PNOY! Hahaha! Alam mo ba ibig sabihin ng gullible?

PNOY: syempre naman!

GMA: Shige nga! Ano?

PNOY: (Biglang nag nosebleed) Tapos na akong mag charge ng PSP. I need to go!

To be continued....

4 comments:

  1. wahahaha! tang ina! nakakaloka! kala ko totoo.. hahahahaha!

    part 2 dali :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. may pagmumura talagang kasama? hahaha! stay tuned!

      Delete